Saturday , 25 May 2013
Breaking News
You are here: Home » Breaking News » 15-anyos buntis lasog sa SUV

15-anyos buntis lasog sa SUV

NAMATAY ang isang menor-de-edad na buntis makaraang suwagin ng Sports Utility Vehicle (SUV) kahapon sa Quezon City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Veterans Memorial Medical Center ang biktimang si Danica Balbuena, 15, residente ng Kaunlaran St., Brgy. Commonwealth ng lungsod.

Samantala, nasa kostudiya ng pulisya ang suspek na si Valeriano Ponce, 55, residente rin sa nabanggit na bisinidad.

Ayon sa ulat ni PO2 Paul Florendo ng Quezon City Police District-Traffic Sector-5, naganap ang pangyayari sa Commonwealth Ave. na tinaguriang killer highway.

Kwento ng mga kaibigan ng biktima, magkakasama silang tumatawid sa nabanggit na lugar nang biglang humarurot ang isang Nissan X-trail (OIQ-777) na minamaneho ng suspek at tinumbok ang dalagita.

Ayon pa sa kinakasama ni Balbuena, isang buwan buntis ang biktima at may dadalawin lamang sana silang kaibigan nang mangyari ang insidente.

Jethro Sinocruz

About hatawtabloid

Scroll To Top