Thursday , 20 June 2013
Breaking News
You are here: Home » News » 10-anyos pisak sa kalesa

10-anyos pisak sa kalesa

IMBES maging masaya, trahedya ang sinapit ng isang 10-anyos batang babae nang aksidenteng mahulog at madaganan ng sinasakyang kalesa sa Brgy. Gumaod, Claveria, Misamis Oriental.

Dumanas ng matinding pinsala sa katawan ang biktimang si Norie Mae Pedrano, 10, estudyante, matapos magulungan ng kalesa at matapakan pa ng kabayo.

Sakay ng kalesa ang biktima nang mahulog nang hindi namamalayan ng kutserong si Felix Alerta, 70.

Dahil mahina ang pandinig ni Alerta ay hindi rin niya narinig ang sigaw ng biktima kaya tuluyang natapakan ng kabayo at nagulungan ng kalesa.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Alerta habang nagsasagawa ng imbestigasyon.

Beth Julian

About hatawtabloid

Scroll To Top