Sunday , 26 May 2013
Breaking News
You are here: Home » Showbiz » Puwet ni Richard, pinagpipistahan

Puwet ni Richard, pinagpipistahan

00 TALBOG_newVERY vocal si Richard Gutierrez na malungkot  siya sa pag-alis ng girlfriend niyang si  Sarah Lahbati na isa sa leading ladies niya sa pelikulang Seduction ng Regal Films na ipalalabas sa January 30. Si Solenn Heussaff na lang ang nakakasama niya sa pagpo-promote.Hindi na rin daw tuloy maririnig ng personal ni Sarah ang mga papuri mula sa production people na maganda ang pelikula nila at magaling ‘yung akting nila rito. Sobrang nami-miss ni Chard si Sarah.

Yes, ibang-iba ang mapapanood kina Richard, Sarah, at Solenn sa mga pelikulang nagawa na nila. Mapangahas at ipinakikita ni Richard ang kanyang wildest and boldest side sa eroctic drama na pelikula.

012813 Richard GutierrezSa grand presscon nito noong Friday ay may ginawa ang staff ni Direk Peque Gallaga na special teaser ng pelikula. Naroon ang mapangahas na eksena at pagbuyangyang ng puwet ni Richard sa love scene.

Hindi nga lang nakontrol ang tension ng publicist ni Richard na si Jun Lalin dahil may pasaway na cameraman ng TV na kinunan ang teaser gayung ipinagbabawal ito. Hindi pa kasi approve ng MTRCB at baka kumalat na sa internet ang naturang mga eksena.

“Feeling ko, hinog na ako sa ganitong klase ng pelikula. I am not getting any younger so, magugulat talaga ang mga tao sa paglalandi ko kina Sarah at Solenn,” natatawa niyang pahayag.

“Nakatulong din ‘yung pagkakaroon namin ng relasyon ni Sarah. Hindi kasi siya comfortable sa mga kissing scenes at love scenes dahil bago para sa kanya ito. Hesitant siya noong una but when I talked to her, naintindihan naman niya. Our relationship helped upang maging realistic ang eksena namin,” sey pa ng guwapong actor.

Marami ang nagsasabi na posibleng makatanggap ng award si Richard sa pelikulang ito pero hindi raw siya nag-i-expect. Blessings na lang daw sa kanya ‘pag mapansin ang acting niya at mabigyan ng tropeo.

‘Yun na!

012813 Geoff-EigenmannGeoff, ‘di maiwan ang ina, kaya ‘di pa makabili ng bahay

Ayon kay Geoff Eigenmann, may mga pagbabago raw kay Heart Evangelista pagkatapos ng halos apat na taon na hindi sila naging magkapareha sa isang proyekto.

“Marami. Siyempre first of all is maturity, maraming mga nangyari sa buhay niya during those four years that changed her in a lot of ways.

“Now ‘pag nasa set kami she’s definitely more professional lang, mas nakikita ko that way but in that case parang hindi siya nagbago kasi very professional, she still doesn’t really complain. Kapag may trabaho ibinibigay niya lahat without any hesitations at all. And the way she views things right now different na talaga. Kitang-kita, eh. Mas malalim siya ngayon,” bulalas ni Jeff.

Natutuwa rin si Geoff sa magandang lovelife ngayon ni Heart na kasintahan ni Senator Chiz Escudero. Pareho lang sila na happy ang personal life. Hahantong na ba sa kasalan si Geoff at ang gf niyang si Carla Abellana?

“Wala pa naman as of now. Things like that siguro we’ll just let fall into places. Hindi ko masasabi na hindi pa namin napag-uusapan, napagbibiruan na namin, may mga ganoon and siyempre a lot of our fans ask, so the question has been brought up before.

“And it’s something na we’re open about it, na hindi kami napipikon ‘pag tinatanong kami.

“We laugh about it and something that we joke about so I think that’s a good thing, to take things lightly.”

Naghahanap pa rin daw si Geoff ng mabibiling bahay.

“Still looking for the right one. Ang hirap kasi biglang iwanan ang mom ko eh, in a way  kahit hindi kami masyadong nagkikita ang hirap pa rin, eh.

“We’re the only two people in the house now so, kapag umalis ako wala na siyang kasama talaga so ang hirap din,”  bulalas pa niya.

Matagal pa na magiging Kapuso si Geoff.

“Tagal pa, I just recently signed again, eh. Kaka-renew ko lang. Normal exclusive contract of GMA which they give their artists.”

So walang tsansa na magtrabaho siya sa ibang estasyon?

“Well not as of now. It’s an option before I signed pero as of now wala naman.”

‘Yun na!

Derek, effective endorser ng donut

ISA sa pinaka-effective na endorser ngayon ay si Derek Ramsay. Proven ang isang donut na ini-endorse niya. Balitang lumakas anag sales nila mula nang i-endorse ito ni Derek. Inamin ito mismo ng isang manager ng naturang donut store na tinatambayan din ng mga showbiz reporter.

So, ang suggestion ng mga press people sa owner ng G.E.B. Super Club (Grand Eye Ball), bagong tambayan ng showbiz  na matatagpuan sa 184 Tomas Morato, QC, kunin din nilang endorser ng naturang party place si Derek. Tiyak malaking factor ‘pag ang actor ang kinuha dahil bagay ang lugar sa personalidad niya na sosyal, may breeding pero malakas ang appeal sa masa. Siguradong parang ‘Kidlat’ ito na dudumugin gaya ng  ‘Unleased party ng G.E.B kagabi. Balitang dinaluhan ito ng mga bagets actors at actresses na mahilig sa nightlife.

Ang  G.E.B. Super Club ang  magbibigay ng ultimate experience sa lahat ng pupunta rito. Puring-puri rin ito ng ilang mga miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC) noong masampolan nilang mag-party dito at magtsikahan.

Modernong-moderno ang loob at kahit celebrities ay puwedeng mag-party at mag-presscon.

Effect ang mag-bonding dito dahil tuwing Wednesday—Ladies Night; Models Night naman every Thursday; Thank God It’s GEB every Friday. Tuwing Sabado naman ang jampacked nooty grinding and bumping.

Talbog!

Ginuman Fest ng GSMI, tuloy-tuloy pa rin!

MISTULANG rock concert ang  nangyaring launching ng GSMI (Ginebra San Miguel, Inc.) Ginuman Fest sa Area 05, Tomas Morato dahil sa rami ng nag-perform na rock bands tulad ng Callalily, Rocksteady, Itchyworms, Kenyo na isa si Georgina Wilson sa hosts.

Ang nasabing  event ay para sa GSMI Ginuman Fest na nagsimula sa Tarlac noong  Jan. 19 at pagkatapos ay pupunta sila ng Davao on Feb. 1; San Fernando, La Union on Feb. 16; San Pedro, Laguna on Feb. 23; sa Cebu naman on March 1; Antipolo on Mar. 9; Pampanga on Mar. 16, Tuguegarao; Cagayan on Mar. 22; Kalibo, Aklan on April 12; Dasmarinas Cavite on April 19; Lipa, Batangas on April 26; Solano, Nueva Vizcaya on May 17; Lucena, Quezon on May 24; Naga, Camarines Sur on May 31, at sa Metro Manila on June 8.

Sa buong 15-leg tour ay masasaksihan at mapakikinggan ng madla ang mga kantang pinasikat ng GSMI brand endorsers na Itchyworms, Kenyo, Callalily, at Rocksteady. Makikita rin sa ilang piling lugar ang mga brand ambassador na sina Anne Curtis, Maja Salvador, Solen Heussaff at ang 2013 Ginebra Calendar Girl na si Georgina.

Makakasama rin sa mga pagtatanghal na ito ang “sample king” na si Jhong Hilario with his super-galing dance moves.

Ang event na ito ay bilang pasasalamat ng GSM sa milyon-milyong “kalahi” na siyang dahilan ng pagiging no. 1 nito sa buong mundo.

About hatawtabloid

Scroll To Top