Wednesday , 19 June 2013
Breaking News
You are here: Home » Front Page » Malampaya Gas Project inabusong likas-yaman, binalasubas na pondo ng bayan (Usigin mga opisyal na kumita!)

Malampaya Gas Project inabusong likas-yaman, binalasubas na pondo ng bayan (Usigin mga opisyal na kumita!)

00 Bulabugin
PARA po sa kaalaman ng ating mga suki, ang MALAMPAYA GAS PROJECT, isang proyektong pinamamahalaan ng Philippine government katuwang ang ilang pribadong kompanya na ang layunin ay makapag-explore ng natural gas sa Philippine (Palawan) waters.

Ang $4.5-billion project na ito ay nagsimula noong 2002 katuwang ng pambansang pamahalaan  dito ang Shell Philippines Exploration B.V. at Chevron Malampaya LLC, na may malaking sapi (shares) sa proyekto habang ang  PNOC Exploration Corp., ay mayroong minority share.

Sa ilalim ng batas, ang national government ay makakukuha ng 60 porsiyento mula sa kikitain nito habang ang Palawan ay 40 porsiyento.

Ang pondong ito ay gagamitin sa iba’t ibang development projects na ang implementing agencies ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang local governments.

Noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, nagkaroon ng asuntuhan ang national at provincial government hinggil sa kung paano maghahati sa kikitain ng proyekto.

S’yempre nanaig ang ‘pambansang interes’ kaya kinatigan ng korte ang kampo ng administrasyong Arroyo.

Sa kasalukuyang administrasyon naman, ipinatitigil ng Commission on Audit (COA) ang 355 proyekto na pinopondohan ng ‘royalties’ mula sa Malampaya project dahil hindi natugunan ng tatlong implementing agencies ang mga rekesitos na hinihingi ng Philippine Government electronic Procurement Systems (PhilGEPS).

Ang PhilGEPS ay ang Central Portal ng lahat ng public procurement activities na magbibigay umano ng transparency at competitive environment sa government agencies at suppliers.

Bukod d’yan inuutusan din ng  COA ang DPWH, ang provincial government ng Palawan at ang Puerto Princesa na isoli ang mga pondong nakuha nila para sa mga nasabing proyekto dahil sa paglabag sa procurement reform act ng bansa.

‘Yan mismo ang posisyon ng COA, nang humarap sa committee hearing na ipinatawag ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Teofisto ‘TG’ Guingiona, Jr., si Edna Rafanan, Director IV ng COA.

Ayon kay Rafanan, natuklasan ng COA na ang 355 projects na nasa ilalim ng pagpapatupad ng DPWH, Palawan provincial government at Puerto Princesa City government ay hindi nakatala sa PhilGEPS.

Ang mga proyektong ito ay nagkakahalaga ng P3.9 billion.

Ayon kay Rafanan, nagpasa rin sila ng kagayang ulat sa Ombudsman para sa kaukulang aksyon sa paglabag na ito.

Tsk tsk tsk … buhay nga naman …

Alam n’yo ba mga suki na marami ang nagkukuwestiyion noon sa ‘territorial exploration’ ng Malampaya dahil ang nakalagay lang dito ay Philippine waters at ang espisipikasyon ay Palawan waters.

Wala umanong nakalagay na boundary o hangganan kaya maraming mamamayan ng Palawan ang tumutol dito. Pero sa paliwanag gamit ang salitang, ‘sa ngalan ng progreso at pag-unlad’ napahinuhod ang mamamayan ng Palawan kahit hindi nila alam kung ano ang kahihinatnan ng EKSPLORASYON na ito.

Makakukuha ng natural gas na pagkikitaan nang malaki ng mga pribadong kompanya na magpapasweldo nang kakarampot sa kanilang mga empleyado kapalit ng pagkasira ng likas-yaman sa karagatan ng Palawan na maraming pamilyadong mangingisda ang maaapektohan?

‘Yan po ‘yung tinatawag na inabusong likas-yaman.

Habang ang makukuha namang 60 porsiyentong pakinabang ng national government at 40 porsiyento sa local government ay pag-iinteresan naman ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan at mga contractor at supplier na laway lang ang puhunan.

‘Yan naman po ang tinatawag na binalasubas na pondo ng bayan.

Huwag na po tayong magtaka kung bakit may Doc Gerry Ortega na pinaslang at mayroong magkapatid na Joel at Mario Reyes na hanggang ngayon ay hindi madakip-dakip ng Philippine law enforcers.

Huwag din po tayong magtataka kung sakaling makita man ang mag-utol na ‘yan pero ang magiging argumento sa korte ‘e hindi pala sila Filipino citizen (sounds family).

Bwahahahaha!

Remember: this is Philippines my Philippines, ang bayan nating mahal!

Tsk tsk tsk …

Linisin, ikarangal ang Maynila (LIM)

DESPERADO na talaga ang mga ‘black propagandists’ ng kampo ng isang nangangarap (trying hard) na maging Alkalde ng Maynila.

Marumi raw ang Maynila kaya kapag siya daw ang naging Mayor dito, lilinisin niya ang Maynila.

Look who’s talking!

Itanong mo kaya sa mga taga-San Juan kung natutuwa sila sa ‘kalinisan’ ng San Juan.

Malinis lang ang San Juan doon sa area na malapit doon sa lugar ng mga rich people…

Pero kapag doon kayo nagawi sa lugar ng mahihirap nating kababayan sa San Juan na gustong-gustong ipademolis ni Erap sandamakmak ang basura roon.

Hindi yata nakita ni Erap ang pagkakaiba ng Pasig River noon at ngayon.

Ang alam lang kasing ikutan ni Erap ‘e ang mga lugar na may malalaking kalsada at kasyang-kasya ang sasakyan n’yang SUV.

Nasubukan na kaya niyang manuot doon sa maliliit na eskinita na ang nagmamantina ng kalinisan sa kanilang lugar ‘e ‘yung magkakapitbahay mismo?!

Matindi ka rin ha, Erapsky, ha!

Gusto mo pang PALABASIN na tamad ang mga MANILEÑO sa paglilinis ng lugar nila ha.

Hindi lang tungkulin ng ALKALDE ang paglilinis ng Maynila, tungkulin ‘yan ng mga residente sa bawat komunidad.

Ok, for the sake of argument, wala bang pananagutan ang vice mayor mo at mga konsuhol ‘este’ konsehal na nasa tiket mo sa sinasabi mong marumi ang Maynila!?

Style mo, bulok!

At kapag basura ang pinag-uusapan ‘e talaga naman lumulundag kayo dahil ‘yan ang negosyo n’yo sa gobyerno!?

Linisin mo nga muna ang sariling BAKURAN mo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.898.999.1 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com/ image description

About hatawtabloid

Scroll To Top