
Sexy Leslie,
May tanong lang po ako, four years ago ang taas ng level ng sex life namin ni misis. Minsan nga ay nakaaabot kami ng 10 times a night. Pero bakit ngayon makaisa lang kami e ayaw niya na?
––RMG
Sa iyo RMG,
Maaaring maraming dahilan, una na rito ang tagal ng inyong pagsasama, sunod ang kakayahan niyang sabayan ang iyong tikas pagdating sa kama at higit sa lahat ay baka dahil sa stress o pagod.
Ang mainam iho e ikonsidera mo rin si misis. Aba, sa totoo lang, mas nakapapagod ang nasa bahay lang at isipin kung ano at aling bagay ang makabubuti sa kanyang pamilya. Buti ka nga nakaiisa pa e, ‘yung iba riyan…kahit kalahati hindi na!
Be thankful!
Sexy Leslie,
I’ve just finished reading your paper, and I am happy kasi may mga taong katulad n’yo na nagbibigay ng advice sa mga taong nagugulumihanan. Keep it up!
–––Ryan
Sa iyo Ryan,
Salamat!
Hataw Tabloid D'yaryo ng bayan
