Saturday , 25 May 2013
Breaking News
You are here: Home » Breaking News » ‘Diskwalipikadong’ party-lists kasama sa balota

‘Diskwalipikadong’ party-lists kasama sa balota

NASA 123 na party-list groups ang makakasama sa ililimbag na balota para sa darating May 13 midterm election, ayon sa anunsyo ng Commission on Elections (Comelec).

Nabatid na kasama sa naturang bilang ang ilang grupo na una nang diniskwalipika ng Comelec sa halalan ngunit malaunan ay nakakuha ng status quo ante order mula sa Korte Suprema.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., hindi na nila maaari pang hintayin ang magiging pinal na desisyon ng korte at maging ang desisyon nito sa iba pang nadiskwalipikang party-list groups na nagpasaklolo sa Kataas-taasang Hukuman, dahil kakapusin sila ng oras.

Ang pag-iimprenta ng balota sa National Printing Office (NPO) ay nakatakda na sa Pebrero 4.

Inaasahang tatagal ang printing process sa loob ng 50 araw dahil kaya naman aniyang maglimbag ang mga printer ng halos isang milyong balota kada araw.

Sinabi ni Brillantes, ang bilang ng mga balota na kanilang ililimbag ay eksakto lamang sa opisyal na bilang ng registered voters na aabot sa 52,014,000.

Ang P780-million contract para sa supply at printing ng official ballots ay ini-award sa Holy Family Printing Corp. at partner nitong Canon Marketing Philippines.

Leonard Basilio

About hatawtabloid

Scroll To Top