MAS mabuti pa nga sigurong hindi na lang itinalaga sa Commission on Elections (Comelec) si kasalukuyang Chairman Sixtong éste’ Sixto Brillantes, dahil mukhang dito na mawawasak ang kanyang karera.
Pumuti na ang buhok nitong si Chairman Brillantes at hindi rin naman biro ang mga sinuong niyang pakikipagsapalaran para sa pag-aangat ng kanyang KARERA pero nitong mga nakaraang araw ‘e parang KKSP (as in kulang na kulang sa pansin) ang mga tirada at diskarte niya.
Mantakin n’yo ba namang BUHAYIN ‘yung RIGHT OF REPLY BILL na matagal nang ibinasura ng KONGRESO.
Ito pong RIGHT OF REPLY BILL, kapag ang isang politiko, personahe o indibidwal ang napuna sa radio, telebisyon at d’yaryo ay may karapatan siyang mag-demand ng equal time and space para ilabas ang gusto niyang ipalabas.
At ‘yan daw po ay ipaiiral para sa May 13, 2013 elections.
Hanggang ngayon, ipinipilit pa rin ito ni Chairman Brillantes na ipatupad batay daw sa Article IX-C Section 4 ng Philippine Constitution.
Tsk tsk tsk …
Next ‘trip’ naman niya ay ang KULAY ng DAMIT ng mga artista. ‘Yun bang tipong may color coding.
Dehins daw pwede ang magsuot ng may political color ang mga artista sa kanilang mga TV program.
Wow, ibang klase ka na talaga Chairman Brillantes, ibang klase kang mag-POWER TRIP!
Palagay ko Pangulong NOYNOY ‘e dapat mo nang i-REPRIMAND si Chairman Brillantes, na bawas-bawasan ang POWER TRIPPING, akala n’ya yata komo siya ang Comelec ‘BOSSING’ ngayon sa bansa ‘e lahat pwede na niyang gawin at diktahan ang taong bayan.
Aba’y kung gusto niyang gumawa ng bagong batas ay mag-RESIGN na siya sa Kumolek éste’ Comolec at tumakbo siyang Senador o Congressman!?
Tsupi d’yan!!!
Mayor Alfredo Lim hinahangaan ng mga taga-Hong Kong
NITONG nakaraang linggo, mayroon tayong mga naging bisita (old friends) mula Hong Kong.
Nasiyahan naman sila sa pamamasyal sa Maynila pero mayroon silang isang kahilingan sa akin bago sila umuwi ng Hong Kong… baka pwede raw nilang makadaupang palad at magpa-picture kay Manila Mayor Alfredo Lim.
Bilib daw kasi sila kay Mayor Fred Lim.
Aba e ‘di nagulat ako, dahil sa mga kumakalat na balita na galit daw ang mga taga-HONG KONG kay Mayor Lim.
Ang sagot nila, “That’s not true!”
Nasusundan daw nila ang career ni Mayor Fred Lim mula sa pagiging pulis hanggang pumasok sa politika … at nakita nila kung gaano kadedikado, kadeterminado at kahusay na lider (public servant) si Mayor Fred Lim.
Swerte naman dahil kahapon ng umaga ay naabutan natin si Mayor Lim na nag-aalmusal sa isang restaurant sa Ongpin.
Doon ay naipakilala natin sa kanya ‘yung mga taga-Hong Kong. Nagkakwentohan sila at nagpakuha ng retrato.
Inulit rin nila kay Mayor Fred Lim na hindi galit sa kanya ang mga taga-Hong Kong.
O klaro po ‘yan!
Kaya ‘yung mga nagsasabing (lalo na ‘yung kalaban sa politika ni Lim) hanggang ngayon ay galit ang mga taga-Hong Kong kay Mayor Fred Lim, luma na ‘yang BLACK PROPAGANDA ninyo!
Masayang uuwi ang mga kaibigan natin sa Hong Kong na dala ang magandang alaala at karanasan na nakaharap nila si Mayor Lim.
Period!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.898.999.1 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com
Hataw Tabloid D'yaryo ng bayan


