Thursday , 20 June 2013
Breaking News
You are here: Home » Bulabugin » Pulis ng CID Pasay bakit kay Mayor Tony Calixto naka-duty!? (Attn: PNP Chief D/G Alan Purisima)

Pulis ng CID Pasay bakit kay Mayor Tony Calixto naka-duty!? (Attn: PNP Chief D/G Alan Purisima)

00 Bulabugin

NANG opisyal na ‘mag-takeover’ ang Commission on Elections (Comelec) sa pangangalaga ng peace and order sa bansa dahil considered election period na, ang ALAM natin lahat ng pulis na nakatalaga sa iba’t ibang personahe at indibidwal ay pinabalik muna sa kanilang mother unit.

So ibig sabihin, lahat ng mga mayroong bodyguard mula sa PNP ay pansamantalang balik sa regular na sitwasyon nila.

Lalong-lalo na ang mga POLITIKO na sasabak sa May 2013 elections.

Pero ang ipinagtataka natin, bakit mayroong isang PO3 DIREK MIRANDA na hindi natanggal sa tanggapan mismo ni Pasay City Mayor Antonino Calixto …

Take note lang po, si PO3 Direk Miranda ay hindi lamang basta bodyguard ni Mayor TO-CALIX.

Siya ay mas kilala sa Pasay City bilang CHIEF SECURITY ng PAMILYA CALIXTO.

ALAM nating ENTITLED naman ang mga MAYOR sa ganyang mga ‘pribilehiyo’ pero ang gusto natin malaman kung dumaan  ba sa ‘PROSESO’ ang ganyang ‘ARRANGEMENT’ nina Mayor Calixto at PO3 Direk Miranda?!

Aprubado ba o may EXEMPTION/CLEARANCE ba ‘yan sa COMELEC o kay PNP Chief?

O baka naman kay Pasay police chief, Sr. Supt. Rodolfo Llorca lang may approval ‘yan?

Sa Camp Crame kaya at sa Comelec, ALAM kaya nila ang arrangement na ‘yan nina Mayor To-Calix at PO3 Direk Miranda?!

Pakisagot lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.898.999.1 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

image description

About hatawtabloid

Scroll To Top