MATAPOS ang masusing imbestigasyon at pagsusuri, opisyal nang naghain ng kaso sa Department of Justice (DoJ) kahapon ang Bureau of Customs (BoC) laban sa isang Pinoy mula Hong Kong na nagtangkang magpasok ng shabu sa bansa nitong Enero 8 (2013).
Dahil sa paglabag sa Section 3601 and Section 2530 ng Tariffs and Customs Code of the Philippines (TCCP) at sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kinasuhan na si Roendo B. Ariata na nabisto ng airport customs officials may dalang 7.0486 kilograms ng Methampethamine Hydrochloride o mas kilala sa tawag na “shabu.”
Ang nasabing shabu ay nakalagay sa pitong (7) parihabang kahon na may tatak na “Gold Premium Milk” na nasa loob ng kanyang luggage na tinatayang nasa halagng P56 milyones.
Ayon kay Biazon, si Ariata ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport –Terminal 2 via Philippine Airlines flight PR 307 noong Enero 8 (2013).
At dahil sa dobleng pagsisikap na suriin at tugaygayan ang mga kahina-hinalang ‘pasahero’ na dumarating sa NAIA lalo na ‘yung mula sa high risk countries dahil sa ilegal na droga, NBAIGO ang planon ng international drug syndicate na maikalat sa bansa ang dalang shabu ni Ariata.
Sa huling tatlong buwan ng 2012, ang Bureau of Customs (BoC) ay nakakompiska ng 20 kilo ng shabu mula sa pitong foreign nationals na tinatayang P163 milyones ang halaga.
At lahat ng dayuhan na ‘yan ay sinampahan na rin ng kaso ng BoC sa DOJ dahil sa paglabag sa TCCP at sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Muli at muli kong sasabihin, na hindi papayagan ng Bureau of Customs (BoC) ang international drug trafficking syndicate na gamiting transhipment point ng illegal na droga ang Filipinas bilang isa sa kanilang merkado,” diin ni Biazon.
Aniya, “Customs officials will, at all times, be on the watch for illegal drugs smuggling attempts and we will not hesitate to prosecute all those involved it.”
Ang pagkakahuli kay Ariata at pagkakasamsam ng droga nitong Enero 8 (2013), ay una sa taon 2013.
Ayon kay BoC Deputy Commissioner for Revenue Collection and Monitoring Group (RCMG) and Run-After-The-Smugglers (RATS) head Peter Manzano, mahigpit nilang susubaybayan ang isinampang kaso kahapon at laging aalamin ang progreso upang matiyak na makukulong ang mga illegal drug traffickers, kung saan sila nararapat.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.898.999.1 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com
Hataw Tabloid D'yaryo ng bayan

