Thursday , 20 June 2013
Breaking News
You are here: Home » Bulabugin » Bangayan dahil sa ‘di pantay na ‘pitsa (an) pie’ sa Senado (It’s not fun anymore!)

Bangayan dahil sa ‘di pantay na ‘pitsa (an) pie’ sa Senado (It’s not fun anymore!)

00 Bulabugin

NAALALA ko ang madalas na gamitin na example ng mga professor ko sa Economics noong kolehiyo tuwing ipinakikita nila ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa – ang PIE – ngayon tawagin na lang natin PITSA (meaning tsapit, kwarta, salapi, pera) PIE.

Sumabog ang damdamin ng mga MAGIGITING, KAGALANG-GALANG at MAGAGALING na MAMBABATAS sa SENADO dahil sa ‘hindi pantay na PITSA (AN) PIE’ na ipinahati (X’mas gift aka MOEE) ni Senate President Johnny Ponce Enrile kay Madam Gigi (kanyang beloved Chief of Staff).

‘Yes, pagkatapos makwenta ng ngayon ay namamahinga (dahil sa kanyang mga sakit) na si Senadora Miriam Defensor-Santiago na hindi pala pantay ang paghahati ni JPE sa PITSA (AN) PIE sa Senado (tig-P600,000 lang sila nina Senators Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano at Sonny Trillanes) habang ‘yung 18 Senador ay tig-P1.6 milyones, ibinunyag niya ito sa Senado.

Alam naman nating lahat, na ang unang nagbalitaktakan ay sina Senator Miriam at JPE.

Ang UPAK nga ng matapang na Senadora bakit daw si JPE ang nagdedesisyon sa paghahati ng ‘SUBING’ pondo ng gobyerno.

Na sinagot naman ng Chief of Staff ni JPE na si Madam Gigi, bakit ngayon lang daw nagreklamo.

(Siya ba ‘yung ‘MADAM GIGI’ na paboritong ‘CALL A FRIEND’ ng mga Customs, BIR at government officials?’)

At dahil nagkasakit nga si Senator Miriam, kamakalawa naman ay si Senator Alan Peter Cayetano ang nag-privilege speech para igiit ang independent auditing sa pondo ng Senado na umano ay pinagpapasyahan ng chief of staff ni Enrile …

Dahil sa privilege speech na ito ay na-high blood si JPE kaya isinumbat ang P37-milyones na utang daw ng tatay ng mga Cayetano, gayon din ang kanilang bahay na ang kahoy raw ay nanggaling sa kanya.

In short, nagkapersonalan na sina Senator Alan at JPE.

Ano ang masasabi natin tungkol dito?! ‘Yun na nga … hindi kasi PANTAY ang PITSA (AN) PIE …

Sa kahit anong organisasyon, kapag KWARTA na ang PINAG-USAPAN … ‘yun na ‘yun …

Mas mabuting wala na lang kung hindi kayang hatiin nang PANTAY.

Pero mawalang-galang na po, mga KAGULANG-GULANG na SENADOR … excuse po … TAXPAYER’s MONEY po ‘yang pinag-aawayan ninyo …

Talaga bang mga MUKHA lang kayong KAGALANG-GALANG pero sa totoong buhay ay talaga kayong MAGUGULANG?!

Sagutin po ninyo ‘yan sa TAONG BAYAN!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.898.999.1 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

image description

About hatawtabloid

Scroll To Top