MARAMING organic employees at Confidential Agents sa Bureau of Immigration (BI) ang halos matanggal ang ulo sa kaiiling.
Nalaman kasi nila na si NELIA BUENAFLOR, ang FEBORIT nurse raw ni Comm. Ricardo David Dayunyor, na isang Confidential Agent pero umaaktong Executive Assistant for Administration – Airport Operations Division (nasa plantilla ba ‘yun?) ay siya palang HIGHEST PAID CO-TERMINUS employee ng Bureau of Immigration.
Ayon sa mga empleyadong nakausap ko, si Brig. Gen. (Ret.) NELIA BUENAFLOR ay tumatanggap ng P50,000.00 OVERTIME PAY plus basic pay and other renumeration na hindi tinatanggap ng mga organic employees.
Masama ang loob at demoralisado ang BI organic employees, pati na rin ‘yung ibang CA, dahil ayon sa kanila, “SAMPID” lang naman si Brig. Gen. Buenaflor sa BI, pero busog na busog agad ang kanyang bulsa.
Thanks to Comm. David Dayunyor, at talagang hindi niya pinababayaan ang kanyang FEBORIT nurse.
She is properly compensated.
Iba na talaga ang may magandang pinagsamahan, ano ha?
Akala ko tapos na ang kulturang “IT’S NOT WHAT YOU KNOW BUT WHOM YOU KNOW,” hindi pa pala.
Hayan at patuloy pa rin umiiral sa Bureau of Immigration.
Wala na ba talagang pagbabago sa BI?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.898.999.1 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com
Hataw Tabloid D'yaryo ng bayan

