Thursday , 24 April 2014
Breaking News
You are here: Home » News » Enrile nagbitiw Sotto, Lacson humarang

Enrile nagbitiw Sotto, Lacson humarang

HINDI naging matagumpay ang tangkang pagbibitiw sa pwesto ni Senate President Juan Ponce Enrile kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng mataas na kapulungan ng Kongreso kahapon.

 

Sa umpisa pa lamang ng sesyon, halatang may kinikimkim nang galit si Enrile, katunayan hindi na siya umupo bilang presiding officer kundi si Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada ang nagbukas ng sesyon.

 

Bago ang pagtalakay ng ano mang nakahanay na agenda, unang tumayo sa plenaryo si Enrile at sa kanyang talumpati, tahasang binatikos niya ang kanyang mga kritiko na sina Sen. Miriam Defensor-Santiago, magkapatid na sina Sen. Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano kaugnay ng kontrobersyal na P1.6 million cash gift sa mga alyadong senador.

 

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, isinulong ni Enrile ang mosyon na ideklara nang bakante ang posisyon ng Senate President ngunit agad tinutulan ito nina Senate Majority Leader Tito Sotto at Sen. Ping Lacson.

 

Dahil may pagtutol sa mosyon ni Enrile, agad na pinagbotohan ng mga senador at lumabas na 11 ang tumutol sa pagdeklara na bakante ang posisyon ng Senate President, na kinabibilangan nina Senators Lacson, Sotto, Chiz Escudero, Franklin Drilon, Gringo Honasan, TG Guingona, Estrada, Lito Lapid, Ralph Recto, Loren Legarda at Bong Revilla.

Habang tatlo naman ang pumabor sa mosyon na kinabibilangan nina Sen. Koko Pimentel at Sen. Antonio Trillanes IV at mismo si Enrile.

Abstain naman sina Sen. Bongbong Marcos at Sen. Joker Arroyo.

Ibig sabihin, mananatili pa rin bilang pangulo ng Senado si Enrile.

Gayon man, pagkatapos ng botohan nilinaw ni Enrile na muli niyang isusulong ang mosyon na ideklarang bakante ang posisyon ng Pangulo ng Senado sa oras na maging kompleto na ang presensya ng mga senador.

Nabatid na absent si Santiago dahil sa karamdaman, habang wala rin ang magkapatid na Cayetano.

 

Scroll To Top