Saturday , April 27 2024
shabu drug arrest

2 bebot, 2 pa arestado sa buy-bust sa Caloocan

APAT katao kabilang ang dalawang babae ang naaresto ng mga awtoridad sa isinaga­wang magkakahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit head PCI Rengie Deimos, dakong 11:30 pm nang ikasa ng pinag-samang operatiba ng SDEU at PCP-7 sa pangunguna ni PSI Geraldson Rivera ang buy-bust operation kontra sa umano’y tulak ng droga na si Michael Jabonita, 40, sa Barmat Bukid, Rubyville, Brgy. 160.

Nakabili si Victorino, na nagpanggap na poseur-buyer ng isang plastic sachet ng shabu kay Jabonita kapalit ng P200 marked money at nang mag-kaabutan, agad sumugod ang back-up na mga operatiba saka inaresto ang suspek.

Nakompiska sa suspek ang isa pang plastic sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money at inaresto rin ang dalawa pang drug user na sina Rizza Beato, 30, at Lisa Beltran, 56, matapos maaktohan ng mga operatiba na bumibili kay Jabonita.

Dakong 1:00 am nang ma­sakote ng mga operatiba ng SDEU kasama ang mga tauhan ng PCP-1 sa pangunguna ni C/Insp. Bernabe Irinco sa ikinasang buy-bust operation sa Adelfa St., Brgy. 132, Bagong Barrio, ang drug pusher na sinabing kabilang sa drug watchlist na si Richard Villanueva alyas Kulugo, 41-anyos ng nasabing lugar.

Limang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu kabilang ang nabili ng poseur-buyer at P200 buy-bust money ang nakompiska sa suspek.

            (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *