Friday , March 29 2024

1 patay, 3 sugatan sa Batangas fire

BATANGAS – Patay ang isang babae habang tatlong iba pang mga empleyado ang sugatan nang masunog ang isang restaurant at bakery sa Batangas City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang namatay na si Catherine Arcega, dish washer at residente ng Brgy. Sta. Clara, Batangas City.

Habang sugatan sina Jon-jon Frane, Rudy Mendoza, at Joseph Mandigma, pawang mga empleyado ng restaurant.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, nagsimula ang sunog sa Bukatots Food Station nang tumagas ang tangke ng LPG na nagresulta sa pagkatupok ng restaurant at nadamay ang katabing La Suerte Bakery sa Rizal Avenue, Brgy. 18 dakong 7 p.m.

About jsy publishing

Check Also

Las Piñas Mass Wedding Kasalang Bayan

Sa ika-27 anibersaryo ng Las Piñas
102 COUPLES SABAY-SABAY NA IKINASAL

SA PAGDIRIWANG ng Buwan ng Kababaihan at ika-27 anibersaryo ng pagkakatatag bilang lungsod ang Las …

Buhain Richard Bachmann

Buhain, umayuda sa HB Bills para sa PH Sports

Pinangunahan ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang pagtalakay at pagsuri sa mga isinusulong …

Acuzar mapang-asar KALBARYO NG MARALITA ITINANGHAL SA NHA, DHSUG, PANAGHOY IWINASIWAS NG GRUPONG URBAN POOR

Acuzar mapang-asar  
KALBARYO NG MARALITA ITINANGHAL SA NHA, DHSUG, PANAGHOY IWINASIWAS NG GRUPONG URBAN POOR

MAHIGIT 300 informal settler families (ISFs) at civil society organizations (CSOs) ang nagtanghal ng Kalbaryo …

PNVF Volleyball

Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship 2024

MAGSISIMULA ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship 2024 ngayong linggo simula sa Biyernes …

Chasing Tuna in the Ocean

MTRCB ipinagbawal pagpapalabas ng Chasing Tuna in the Ocean 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang desisyong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *